Thursday, January 27, 2011

sebastian

some people thought this was interesting, so i'll tell you how i got to know the person behind the story... **names of persons have been changed to protect myself (hehehe) and the identity of all the characters this was based in...i wrote this early 2009...







Hindi lang pagiging bakla ang mahirap tanggapin...
minsan mahirap ding tanggapin ang pagiging lalaki!

Una kong nakita si Baste sa call center kung saan magsisimula akong magtetraining. At dahil trainee nga, di sanay sa puyatang trabaho. Halos walang kakilala maliban na lang sa kokonting pamilyar na mukha na nakasabay ko sa interview o sa contract signing mga iilang araw pa lamang ang nakallilipas. Bagong salta kasi sa Maynila tuloy, nag-iisa, panay higop sa mainit na kape, naghihintay ng simula ng kauna-unahan kong trabaho.

Doon siya pumasok sa eksena!

Gwapo, matangkad, matipuno, mukhang may kabataan; parang kaedad ko sa murang edad na 22. Matagal pa bago ko malalaman na halos 30 na pala siya!

Malikot ang mga mata nya. Mukhang may hinahanap...nang...maligaw sa inuupuan kong mesa...at dala ang isang tasang kape lumapit at...

"may I have this seat please? all the rest are taken!"

Tumango lang ako, nahihiya, inisip na baka naman nabasa nya ang malibog kong iniisip!

"is this also your first day?" tanong nya...tumango lang ulit ako.

Ngumiti siya, tinititigan ako, parang may malalim na iniisip!

"wag kang mahiya sakin, pareho lang tayong walang ibang kakilala dito. ako nga pala si Sebastian, Baste na lang for short!"

Doon nagsimula ang pagkakilala ko kay Baste, simpleng tao, masayahin, kalog. At doon ko rin nakilala si Basey sa mga kwento nya! Isa ring masayahing tao na inakala kong kababata nya, kakilala sa isang malayong lugar na tawagin nating Bacolod. Eto ang kanyang kwento.


Mula pagkabata kay kakilala na ni Baste si Basey, ulila sa ama't ina kung kaya lumaki sa kapatid ng nanay nyang si Tita Vicky. Bakla si Tita Vicky, medyo may edad na at siyang nagpa-aral at nagturo sa kanya kung paano mamuhay sa mundo. Sa isang mumunting parlor na dinadayuhan ng sandamukal na bakla nagka-isip ang bida ng mga kwento ni Baste. At dahil may kagandahan din ang batang pamangkin, ginawang mistulang manyeka ng mga baklitang walang tigil ang pasok labas ng parlor. Yun ang kinalakihan ni Basey, make-up, bestida at ang mga boylets na dinadala ng mga bading sa tinatawag nyang tirahan. Normal na sa kanya yun, at yun din ang buhay na inakala nyang dapat din ay sa kanya; magpaganda, kumendeng kendeng...magkaboyfriend! Sa ganda nya nung nagdalaga, magkabilaan ang lalaki, sa school, sa parlor, sa kung saan saan. At nakilala nya si Vincent!

Mainit nung araw na yun. Bakasyon kasi, at dahil tumigil sa pag-aaral isang taon na ang nakakalipas, sobrang abala ni Basey sa preparasyon sa sasalihan beauty contest sa gabing yun; fiesta sa barangay nila. Tanghali; sa init ng araw, dala dala ang payong, naka curlers ang mahabang buhok, suot ang shorts na kinulang sa tela, naglalakad ang bida ng kwentuhan namin. Biglang may tumunog na busina, isang truck kung saan sakay ang isang grupo ng criminology students sa isang malapit na kolehiyo, mga magkasali sa parada sa hapon ding iyon. At sa kalagitnaan ... si Vincent.

Tumatak sa isipan ni Basey si Vincent. Gwapo, matangkad, matipuno at taglay ang isang ngiti habang kinakausap ang mga kasama na siyang kuhuha sa pansin ng ating dalaga.

Kinagabihan, reyna na naman siya. At doon sa sayawan, nakitang muli ang ngiti na minsan pa'y umakit sa kanya.

Nagkakilala sila ni Vincent, 2nd crim student na galing sa isang malayong siyudad. NAgkapalitan ng cellphone number, nagkakwentuhan...at yun lang! Labis man ang kagustuhan ng ating reynang makasama man lang sa isang pribadong oras ang binata, may mistulang pader na pumipigil sa kanya. Siguro dahil, may pagkahiyain ang lalaki, maraming kaibigang kasama at galing din mismo sa bibig nya, wala pang karanasan sa anu mang kamunduhan!

Hindi doon natapos ang pagkakaibigan nila. Para yatang na tusok ng pana ni kupido ang ating Basey, kaya yun text ng text. Sabay tawag, sabay panaginip na makitang muli ang lalaking laman na yata ng bawat oras nya. Nalaman nyang innocente nga ang loko, at hanggang text lang daw muna kasi nahihiyang makantyawan ng mga kaibigan. HAnggang lumalim nga ang kanilang pagkakakilala. Yun nga lang, sa text lang!

Nang dumating ang birthday ni Vincent, at dahil nagbobord, umaasa lang sa kakarampot na allowance na pinapadala ng di naman mayamang magulang...nag alok si Basey na cya ang taya ng inuman. Aba, pumayag ang binata sa isang kundisyon, magpagupit ang ating dyosa at magdamit lalaki. Hay, anu pa nga ba ang pwedeng gawin ng Basey kundi ang pumayag. Ganun siya kalalim nabingwit!

Mabait naman ang Vincent, di nga lang sanay!

At ng gabi ring yun, sa una unang pagkakataon, nangyari nga ang inaasam ng lahat! Doon mismo sa boarding house kung saan tumutuloy ang bday boy, doon na kasi pinaglipasan ng gabi ang Basey. Ngunit, kung inakala nyang matatapos na ang lahat pag nakuha nya na ang gusto sa lalaki dun siya nagkamali. Lumalim pa ang kanyang nararamdaman.

Kaya hayon, halos 2 taon na nagsama. Yun nga lang, unti unting binago ni Vincent ang dating kumikendeng na maganda. Maikli na ang buhok, damit lalaki...at sa kagustuhang magsama sila kahit sa mata ng mga kaibigang criminology student, naging asal lalaki na rin ang bruha at nakilala sa pangalang Meg; as in Amigo...Meg!

Maraming pinagdaan ang dalawa, unang pagpapakilala sa pamilya, unang panood ng sine, unang simba! Lahat yun! Unang pagtatalo, unang pagseselos, unang panloloko! Lalaki si Vincent, at kahit dati'y asal babae si Basey, bakla pa rin siya. Di maiwasang nagkagirlfriend ng isang tunay na babae - si Lynn!

Masakit, na dumating din ang araw na may kahati na si Basey sa mahal nya. Pero nung sa huli, nagkakilala din si ni Lynn, nagkaclose dahil sa inakala ng babaeng magbestfriend ang dalawa. Walang date na hindi tatlo sila, walang problema ang magkasintahan na hindi si Basey ang unang nakakaalam. Kung tutuusin, ang araw ay kay Lynn, ang gabi ay kay Basey. Minsan nga mas maraming oras pa ang pagsasama nina Lynn at Basey keysa kay Vincent. At ng parang hindi na matatapos ang pagsasama, dumating ang Abril, graduation ni Vincent!

Malungkot ang araw na yun. Sa bawat isip nila, huling araw na ng pagsasama! Maliban na lang kay Basey at kay Lynn na siyang maiiwan sa eskwela. Si Vincent, pauwi na, ipapadala ng pamilya sa ate nya sa Maynila isang linggo pagkatapos maggraduate para makapag-ipon at makapagreview para sa board.

Iyakan, inuman...pagtatapos! At sa kalasingan, nangyari ang di inaasahan!

Nagsama ang tatlo, sa madilim na kwarto ni Vincent. Nagkahalikan, tatlo sila...papalit palit...pauli-ulit... hanggang natapos ang lahat...at si Basey...nagbago ang tingin sa sarili... PAgdating ng umaga, wala na si Vincent... ang naiwan si Lynn ang hawak hawak sa kama!

Saan na ang dalagang reyna ng beauty pageant? Saan na ang parloristang pakendeng kendeng kung lumakad na soot ang shorts na kulang sa tela? Patay na si Basey!

Sa banyo, hindi mapigilan ni Basey ang umiyak... hagulgol at hikbing hindi mapigil pigil. Sa pag-alis ni Vincent, at sa mga tanong na paulit ulit pumapasok sa ulo nya!!! Pumasok si Lynn, nakahubad pa rin, kinuha ang mukhang puno ng luha, hinalikan at nagsalita!

"alam ko, pero wag kang mag-alala...kasi hindi ka na ang dati, andito ako, iniwan ka nya sa akin!"

Siguro, marami pa ring mga tanong ang gumugulo sa isip ni Basey... o ni Baste kung saan mas kilala cya pagkatapos nun. Siguro nga naging importante talaga cya sa buhay ni Vincent na pulis na ngayon. Anu kaya ang nangyari kung hindi sila nagkakilala? Anu kaya ang nangyari kung hindi si Lynn ang naging syota? Anu kaya?

May anak na si Lynn at Baste, sa totoo nga eh, ninong ako nung isa! At si Vincent naman, ayun, ganap na pulis nga ngunit binabahay ng isang pa ring bakla... siguro nasanay na!

Ang buhay nga naman, ang kulit. Di mo maintindihan, tulad na lang ng buhay ni Basey/Baste!

No comments:

Post a Comment